XaiJu
Edgar Calabia Samar
Edgar Calabia Samar

patreon


Pikhukhu (may salin sa Ingles ni Nicko Reginio Caluya)

Mapagpalayang araw sa inyong lahat! Kumusta na kayo? Kumusta ka na?

Magustuhan n'yo sana ang tampok natin ngayong linggo sa ikalawang labas ng ating Artsibong Atisan: ang pinakabagong edisyon ng tula kong "Pikhukhu" kasama ang salin sa Ingles ni Nicko Reginio Caluya na malalathala ngayon sa unang pagkakataon. 32 pahina ito ng zine-like content na ginawa ko nang exclusive sa ngayon para sa patrons.

Tulad dati, huwag sana ninyo itong i-upload sa ibang bahagi ng internet o basta ipadala sa iba. Maraming salamat sa patuloy ninyong suporta at masiyahan din sana kayo sa introduksiyon ko sa isyung ito na maliban sa kaunting update sa personal na buhay ay nagpapaliwanag din kung bakit paborito kong basahin ang "Pikhukhu" sa mga poetry reading. May mga link din dito sa YouTube videos ng pagbasa ko ng tulang ito, at sa iba pang salin ni Nicko ng mga tula ko na nalathala sa ibang online journals.

At gaya ng dati, kung mayroon kayong mga tanong tungkol sa pagsusulat o pagbabasa ng panitikan, o mga bagay na gusto ninyong talakayin ko sa alinman sa mga akda ko, tulad ng seryeng Janus Sílang, ipadala lang ninyo sa akin at susubukin kong sagutin ang mga iyan sa mga susunod na linggo!

Laging kulang ang pasasalamat!

Pikhukhu (may salin sa Ingles ni Nicko Reginio Caluya)

More Creators